MANILA, Philippines – Hinimok ng Commission on Elections ang mga aspirants para sa May 2025 elecion na alisin ang kanilang billboards at iba pang mga campaign materials na maagang nakabalandra dahil hindi pa nagsisimula ang campaign period.
Nagbabala si Garcia na maaring maharap sa diskwalipikasyon ang mga hindi papansin sa panawagan.
Sa darating na halala, ang 90 day period para sa senador at party-list reresetatives ay magsisimula myka Perer 11 hanggang Mayo 10 habang ang local candidats ay papayagang mangampanya mula Marso 28 hanggang Mayo 10.
Sinabi ni Garcia na inaasahan na ang mga kandidatong ito ay tatangalin ang kan-kanilang election propaganda amterials tatlong araw bago magsimula ang campaign period.
Kasabay nito, sinabi ni Garcia na siya ay kaisa ng publiko sa pagkadismaya sa paglaganap ng mga premature campaigning materials sa mga pangunahing lansangan at mga lansangan at mga patalastas sa TV at radyo.
Amiando si Garcia na wala silang magagawa sa mga kandidato dahil aniya sa Election Automation Law, nakasaad na ang sinumang indibidwal na maghain ng Cerificates of Candidacy ay maituturing lamang na kandidatosa pagsisimula ng camaign period. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)