MANILA, Philippines – Maaaring makapagpahinga mula sa mga bagyo ang Pilipinas sa nalalabing mga araw ng Nobyembre, ayon sa PAGASA nitong Lunes, Nobyembre 25.
Ito ay matapos ang serye ng mga mapaminsalang bagyo na tumama sa bansa ngayong buwan.
“In terms of bagyo, wala pa tayong nakikita in the next three to five days,” pahayag ni PAGASA weather forecaster Lorie Dela Cruz sa panayam ng TeleRadyo Serbisyo.
Sa kabila nito, makararanas ng mga pag-ulan ang Mindanao dahil sa Intertropical Convergence Zone.
Samantala, amihan naman ang makakaapekto sa Batanes, Cagayan, at Apayao.
Matatandaan na umabot sa 14 katao ang nasawi dahil sa mga bagyong Nika, Ofel at Pepito ngayong buwan. RNT/JGC