Home ENTERTAINMENT Uge, binisto si Pokwang!

Uge, binisto si Pokwang!

Manila, Philippines – Puring-puri ni Pokwang ang kaibigang Eugene Domingo.

Si Uge raw kasi ang tipo ng kaibigan na pag kailangan niya for moral support finds time for her.

Best of all, si Uge raw ang klase ng kaibigang hindi mapanghusga.

All that Uge does whenever Pokwang confides in her ay makinig.

Katwiran ni Uge: “Hindi naman kasi natin nararamdaman ang pinagdadaanan niya. Kaya ‘yung mga nagpapayo sa kanya na mag-move on, ‘di natin alam exactly what she went through!”

Parang napakadali lang daw sabihing mag-move on na ang isang tao: “Ano ‘yon, parang nasa jeep lang kayo…mag-move on ka nga para magkasya tayo! Hindi ganoon, eh!”

Ang moving on stage na tinutukoy ng magkaibigan ay ang proseso that Pokwang needs to get started para tanggalin nang lahat ang bitterness sa kanyang puso.

Pagse-share naman ni Pokwang: “May malayo nga akong kamag-anak. Sabi sa akin, mag-move on na raw ako, huwag daw akong bitter…ayun, malaman-laman ko, last week naghiwalay silang mag-asawa! Sasabihin ko sa kanya ngayon, mag-move on ka na rin.

Huwag kang bitter!”

Pokwang acknowledges the fact na naging instrumento si Uge para mabago ang kanyang pananaw.

Soft na nga si Pokwang sa kanyang dating karelasyong si Lee O’Brian.

If only for Lee’s effort na nagpapakatatay sa anak nilang si Malia ay solved na siya.

Pero pambubuko ni Uge, noong ginagawa raw nila ni Pokwang ang kanilang MMFF entry ay “nahuli” niya ito.

Kuwento kasi ni Pokwang, kumain daw sila ni Malia sa isang Japanese resto sa Bonifacio Global City.

Ang totoo pala, Pokwang was checking on Lee na baka naroon at may kasamang ibang babae.

Depensa naman ni Pokwang, may katagalan na raw kasi silang walang kontak ni Lee.

So, Pokwang still carries the torch for Lee?

Anyway, nanalo si Pokwang sa kasong isinampa sa Bureau of Immigration at nakatakda nang i-deport si Lee. Ronnie Carrasco III

Previous articleP108M premyo sa lotto pinaghatian ng tatlo
Next articleBilang ng mananakay ng MRT3 umakyat ng 30% noong 2023