Home METRO Bilang ng mananakay ng MRT3 umakyat ng 30% noong 2023

Bilang ng mananakay ng MRT3 umakyat ng 30% noong 2023

139
0

MANILA, Philippines- Inihayag ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) nitong Miyerkules na tumaas ang ridership nito ng 30% noong 2023 kumpara sa 2022 record.

Sinabi ng MRT3 na umakyat ang bilang ng mananakay nito sa 129,030,158 nitong 2023 mula sa 98,330,683 noong 2022.

Lumobo rin ang average daily ridership ng MRT3 sa 357,198, na mas mataas ng higit 30% kumpara sa 273,141 record noong 2022. Naitala ang pinakamataas na single-day ridership noong August 22 sa 450,298 pasahero.

Agosto ang buwan na may pinakamaraming bilang ng pasahero noong 2023, sinundan ng Oktubre, Setyembre, at Disyembre, base sa MRT3.

“The continued effective maintenance and upkeep of MRT-3’s rehabilitated subsystems contributed to the improved reliability and efficiency of the rail line,” pahayag ni MRT3 officer-in-charge and Transportation Assistant Secretary Jorjette Aquino.

“Our trains now receive necessary preventive maintenance and upkeep on time, while other subsystems such as tracks, signaling, and power are also properly maintained,” dagdag niya.

Umiksi na ang travel time mula North Avenue Station hanggang Taft Avenue Station sa 30 hanggang 45 minuto, ayon kay Aquino.

Samantala, inihayag ng MRT3 na may kabuuang 220,706 pasahero ang nakinabang sa libreng sakay nito noong 2023. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here