Home METRO 3 sapul ng cholera sa Maguindanao del Sur, patay!

3 sapul ng cholera sa Maguindanao del Sur, patay!

MANILA, Philippines- Tuluyang pumanaw ang tatlong residente ng Talayan, Maguindanao del Sur matapos makaranas ng pagsusuka, pagdudumi at panghihina, ayon sa ulat nitong Miyerkules.

Dinala naman sa ospital ang 21 iba pa dahil sa parehong sintomas.

Sinisilip na mitsa ng pagkakasakit ang iniinom na tubig mula sa poso.

Sinabi ng Integrated Provincial Health Office ng lalawigan na lumalabas na cholera ang sakit ng mga biktima.

Ayon sa ulat, nagkaroon ng fish kill sa ilog na malapit sa posong pinagkukunan ng tubig ng mga residente. Doon din umano itinatapon ang mga pinaghugasan ng mga pesticide.

Gayundin, sa nasabing ilog umano naghuhugas ng mga pinagkainan ang mga residente, naliligo at dumudumi.

Dahil dito, namahagi ng inuming tubig ang lokal na pamahalaan sa mga residente.

Ipinadala rin ng health office ng Department of Health ang sample ng tubig para sa pagsusuri. RNT/SA

Previous articleBilang ng mananakay ng MRT3 umakyat ng 30% noong 2023
Next articlePH economy makatatabay sa epekto ng El NiƱo – DOF