Home NATIONWIDE Ulat na ‘foreign covert ops’ sa Pinas tinututukan ng DFA

Ulat na ‘foreign covert ops’ sa Pinas tinututukan ng DFA

129
0

MANILA, Philippines- Mino-monitor ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ulat na umano’y may ‘foreign covert operations’ sa Pilipinas.

Sinabi ni DFA spokesperson Ma. Teresita Daza na ang usapin ay isang “area of concern” kaya nga kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang DFA sa mga kaukulang ahensya ng pamahalaan ukol sa bagay na ito.

“The Department has noted reports containing relevant information on alleged foreign covert operations in the Philippines. In accordance with its mandate to help protect national security, the Department takes such reports seriously and is monitoring relevant developments in this regard,” ayon kay Daza.

Ang pahayag na ito ng departamento ay matapos na talakayin ng House panel ang isang Al Jazeera documentary na nagtatampok sa tycoon na si She Zhijiang, inamin ng huli na siya ay isang Chinese spy at nakausap ang sinibak na si Bamban, Tarlac mayor Alice Guo.

Nang tanungin kung nakipag-ugnayan na ang DFA sa Chinese counterpart nito, sinabi ni Daza na sa ngayon ay wala siyang impormasyon ukol dito.

“That’s as far as we can say relevant to this topic. What’s important is we are actually coordinating with other agencies on it because it is a concern,” ang pahayag ni Daza, sabay sabing nakita ng departamento ang naturang dokumentaryo. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here