Home NATIONWIDE Ulat na posibleng may nasawi sa banggaan ng CCG vessels, ‘di pa...

Ulat na posibleng may nasawi sa banggaan ng CCG vessels, ‘di pa kumpirmado ng PCG

232
0

MANILA, Philippines – Kasunod ng ilang report na posibleng may nasawi sa banggaan ng dalawang barko ng China Coast Guard (CCG) sa Bajo de Masinlo — sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na hindi pa ito makumpirma.

Sa press briefing, sinabi ni PCG for West Philippine Sea spokesperson Commodore Jay Tarriela na wala pa siyang opisyal na natatanggap na kumpirmasyon.

Sa kabila nito, ipinagdarasal ng PCG ang kalagayan ng CCG crew na nasaktan sa maritime incident na kinasangkutan ng 3104 at PLA navy warship 164 habang pilit na hinaharas, hinahabol at hinaharangan ang BRP Suluan kahapon, Agosto 11.

Ayon kay Tarriela, may apat na CCG sa harapan ng kanilang barko na nawala matapos ang malakas na salpukan ng kanilang barko na posible umanong tumalsik mula sa barko.

Samantala habang nagmomonitor, nakita ng PCG na nagdeploy ng inflatable boat ang iba pang CCG vessel malapit sa pinangyarihan ng banggan at tila nagsasagawa ng search and rescue.

Ayon pa sa PCG, matapos ang salpukan ay sinubukan din nila na mag-alok ng tulong tulad ng medical assistance at search and rescue operations ang pero hindi sila tumutugon sa radyo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here