Home NATIONWIDE Ulat ng mga Pinoy na nirecruit sa foreign armed forces, bineberipika ng...

Ulat ng mga Pinoy na nirecruit sa foreign armed forces, bineberipika ng DFA

1
0

MANILA, Philippines – Tinitingnan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga ulat na may mga Pilipinong nare-recruit sa mga dayuhang armed forces.

Ayon sa DFA, patuloy na bine-verify ng mga kaukulang Foreign Service Posts ang impormasyon at nakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang awtoridad.

“The Department’s priority is the safety and welfare of Filipinos,” pahayag ng DFA.

Sinabi rin ng kagawaran na handa ang pamahalaan na magbigay ng consular assistance kung kinakailangan, alinsunod sa batas ng Pilipinas, international practice at mga regulasyon ng bansang kinaroroonan ng mga Pilipino.

Naglabas ng pahayag ang DFA kasunod ng ulat na isang Pilipino ang na-recruit umano para sa Russia-Ukraine conflict at nasawi, habang isa pa ang napaulat na prisoner of war.

Noong Pebrero, lumabas ang video ni Raymon Santos Gumangan sa “I Want to Live” Facebook page, isang proyekto ng Ukrainian government. Ayon sa post, na-recruit umano si Gumangan ng Russians bilang mercenary kapalit ng mataas na bayad.

Ayon naman kay Gumangan, logistics work ang ipinangako sa kanya ngunit iba ang trabahong ipinagawa pagdating niya sa Russia.

Nakikipag-ugnayan na rin ang Armed Forces of the Philippines sa iba pang ahensya ng pamahalaan kaugnay ng naturang ulat.

Muling nagpaalala ang DFA sa mga Pilipinong naghahanap ng trabaho sa ibang bansa na maging maingat at tiyaking lehitimo ang mga job offer bago tanggapin ang mga ito. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here