MANILA, Philippines – Ibinunyag ni newly-elected Senate President Alan Peter Cayetano nitong Huwebes, Mayo 14, ang umano’y plano ng mga miyembro ng bagong minority bloc na patalsikin siya sa puwesto.
“Medyo busy sila ngayon, na tina-try kausapin yung mga miyembro namin na sumali ulit sa kanila,” ayon kay Cayetano sa isang press briefing sa Senado.
Ayon sa kanya, may usapin nga ng posibleng “coup” laban sa kanyang liderato.
“Yes, that’s expected,” sabi niya.
“Yes, may invitations to talk, may pananakot but dati na silang takot eh,” dagdag pa niya.
Nang tanungin kung solid ang 13 miyembro ng majority bloc, sinabi niya: “You’re always solid until you’re not. But I believe in the 13. I believe in our cause.”
Si Cayetano ay naupo bilang Senate President nitong Lunes matapos makakuha ng 13 boto, kabilang si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, na bumalik matapos ang anim na buwang pagkawala sa Senado. Ang 13 boto ang nagpatalsik kay dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III. RNT/MND