Home NATIONWIDE UN Rapporteur makikipagpulong sa Malakanyang

UN Rapporteur makikipagpulong sa Malakanyang

MANILA, Philippines – NAKATAKDANG makapulong ngayong araw, Pebrero 1 ni Executive Secretary Lucas Bersamin si United Nations Special Rapporteur Irene Khan sa Palasyo ng Malakanyang.

Si Khan ay nasa bansa para sa 10-day visit nito para makapulong ang iba’t ibang opisyal ng gobyerno at personalidad.

“As the primary coordinator for Ms. Khan’s visit, PTFoMS has actively facilitated several meetings across different regions, including Baguio City, Cebu, and Tacloban, ensuring a broad representation of the Filipino’s diverse voices,” Presidential Taskforce on Media Security (PTFoMS) Undersecretary Paul Gutierrez.

Nauna rito, binigyang diin ni Gutierrez na ang pagbisita sa bansa ng UN official ay hindi dapat tingnan bilang kontrobersiyal at hindi dapat na maalarma sa nasabing pagbisita dahil pangatlong beses na ito na may UN Special Rapporteur ang bumisita sa bansa sa ilalim ng bagong administrasyon.

Nilinaw nito na ang pagbisita ni Khan ay hindi konektado sa isinagawang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) ukol sa drug war sa Pilipinas sa panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Kris Jose

Previous articleMga dyip hinihuli pa rin sa kabila ng PUV consolidation extension — transport groups
Next articleAlvarez nagpasalamat kay Romualdez sa mga panibagong panawagan sa M’danao separation