Home NATIONWIDE Unang bagyo sa Pinas ngayong taon nakaamba; inaasahang magpapaulan sa weekend –...

Unang bagyo sa Pinas ngayong taon nakaamba; inaasahang magpapaulan sa weekend – PAGASA

MANILA, Philippines- Pumasok ang isang low pressure area sa silangan ng Mindanao sa Philippine area of responsibility nitong Huwebes at inaasahang magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa ngayong weekend, base sa state weather bureau PAGASA.

Matatagpuan ang namumuong sama ng panahon 870 kilometro sa silangan ng southeastern Mindanao, hanggang kaninang alas-10 ng umaga, base kay PAGASA weather forecaster Ana Clauren-Jorda.

Posibleng maging unang bagyo sa bansa ngayong taon ang LPA na tatawagig “Aghon” — sa Biyernes ng umaga habang patungo sa northwest direction.

Maaaring magpaulan ang potensyal na bagyo sa Eastern Visayas, Caraga, at ilang parte ng Southern Luzon sa Biyernes. RNT/SA