Home METRO Kelot napaidlip habang nagmamaneho, sapul sa barriers sa EDSA-Guadalupe

Kelot napaidlip habang nagmamaneho, sapul sa barriers sa EDSA-Guadalupe

MAKATI- Bahagyang bumagal ang daloy ng trapiko sa northbound lane ng EDSA-Guadalupe bridge nitong Huwebes, matapos mabangga ng isang driver ang mga barrier sa nasabing lugar.

“Around 4:40 am nadatnan po namin nakaganyan na po ang sasakyan. Bumangga sa dalawang concrete barrier which is property by MMDA at plastic barrier po. Nireport po namin sa eaglebase,” paglalahad ni MMDA Traffic Auxiliary Joey Formentera.

Nagtamo umano ng minor injury ang driver.

“Dumating ‘yung rescue natin pinipilit po siyang dalhin sa ospital. Nagsign po siya ng waiver hindi na po siya magpapadala. Desisyon niya na ayaw niya magpadala ng ospital,” wika ni Formentera.

“Medyo umano siguro dahil siguro ng pagkabangga niya, ‘yung impact baka ‘yung kamay niya naipit,” patuloy niya.

Hindi nagbigay ng komento ang driver hinggil dito.

“Napaidlip po [siya] ma’am. Hindi po ako makapagsabi kung nakainom kasi tanging imbestigador at traffic bureau ang makapagsabi,” sabi ni Formentera.

Muli namang nadaanan ang mga isinarang lane sa lugar bago sumapit ang alas-7 ng umaga. RNT/SA