MANILA, Philippines- Nakatakdang itayo ang kauna-unahang pasilidad para sa Down syndrome sa Pilipinas, kung saan kasado ang konstruksyon sa Bicol Regional Hospital and Medical Center (BRHMC) sa Legazpi City, Albay, ayon sa NORFIL Foundation, Inc.
“The (Down Syndrome) Hub aims to break down barriers and provide essential services for children with Down syndrome through a state-of-the-art site, advanced medical equipment, and professional (para) medical staff,” pahayag ng organisasyon.
Nilalayon ng proyekto, sa pangunguna ng NORFIL Foundation at pakikipagtulungan sa BRHMC, na tanggalin ang mga hadlang sa healthcare accessibility para sa mga batang may ganitong kondisyon.
Sa Facebook post, sinabi ng NORFIL na buo ang commitment nina Dr. Eric Raymond N. Raborar, medical chief ng BRHMC, at Dr. Mariegella Ciocson, pinuno ng pediatrics department ng ospital, sa inisyatiba.
“The next milestone will be the groundbreaking in March,” anang NORFIL foundation.
Kapag nakumpleto, magsisilbi ang Down Syndrome Hub bilang espasyo para makatanggap ang mga bata ng specialized care. RNT/SA