Home ENTERTAINMENT Unang tambalan nina Enrique at Andrea, pasabog ng TV5!

Unang tambalan nina Enrique at Andrea, pasabog ng TV5!

134
0

Manila, Philippines – Opisyal na ngang inihayag ng TV5 ang unang pasabog ng network kung saan pinagsama ang ultimate heartthrob na si Enrique Gil at ang Gen Z queen na si Andrea Brillantes sa action drama na A Secret in Prague.

Ito bale ang unang pagtatambal nina Enrique at Andrea.

Gaganap si Enrique bilang Mikoy, isang masipag at pursigidong anak at kapatid na lumipad papuntang Prague para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Mahaharap sa panganib si Mikoy sa Prague nang atasan siya ng isang secret organization para bantayan ang fierce at fearless na anak ng isang mafia na si Chiara (Andrea).

Ang A Secret in Prague ay co-produced ng Slingshot Studios (kung saan partner din si Enrique), isinulat ni Mark Duane Angos, at  sa ilalim ng direksyon nina Barry Gonzales at Paco Sta. Maria.

Mapapanood ang A Secret in Prague mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 PM, ngayong April 27, 2026. JP Ignacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here