Home NATIONWIDE Undersea power cable sa pagitan ng PH, Malaysia, pinaplano

Undersea power cable sa pagitan ng PH, Malaysia, pinaplano

3
0

MANILA, Philippines — Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang planong paglalagay ng undersea power cable na mag-uugnay sa Mindanao at Sabah, Malaysia, bilang bahagi ng pagpapalawak ng kooperasyon sa suplay ng kuryente sa Southeast Asia.

Sa press conference matapos ang 49th ASEAN Summit nitong Martes, Nobyembre 17, sinabi ni Marcos na ito ang magiging unang undersea cable project para sa pagbabahagi ng kuryente sa ilalim ng ASEAN Power Grid initiative.

Layunin ng proyekto na magkaroon ng koneksyon sa pagitan ng mga power grid ng dalawang bansa upang mapadali ang pagpapalitan ng suplay ng kuryente.

Kaugnay nito, kinumpirma ng Department of Energy (DOE) na natapos noong Nobyembre 15 ang paglagda ng mga bansang kasapi ng ASEAN sa Enhanced Memorandum of Understanding on the ASEAN Power Grid.

Saklaw ng kasunduan ang pagpapalawak ng electricity interconnections, pagbuo ng mga kaukulang patakaran at paghahanap ng pondo para sa mga proyektong pang-enerhiya, kabilang ang undersea power cables.

Ayon sa DOE, makatutulong ang mas malawak na koneksyon ng mga power grid sa pagpapahusay ng seguridad sa enerhiya, pagkakaroon ng karagdagang mapagkukunan ng kuryente at pagsuporta sa renewable energy development.

Gayunman, wala pang inilalabas na tiyak na petsa ng konstruksyon, halaga ng proyekto at kapasidad ng planong power cable sa pagitan ng Mindanao at Sabah. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here