Home NATIONWIDE ‘Underwater structure’ sa Masinloc, bineberipika ng Navy

‘Underwater structure’ sa Masinloc, bineberipika ng Navy

355
0

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Philippine Navy (PN) nitong Martes na kanilang bineberipika ang mga ulat tungkol sa mga underwater structure sa Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea (WPS).

“We have received reports of certain structures underwater, which we are verifying,” pahayag ni Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, tagapagsalita ng PN para sa WPS, sa isang press briefing sa Camp Aguinaldo.

Ayon kay Trinidad, noong 1997 ay napigilan ng Navy ang tangka ng China na magtayo ng steel structure sa lugar. “It was blown up by our PN forces,” aniya.

Ipinaliwanag din niya na ang mga dating naiulat na “building blocks” sa paligid ng Bajo de Masinloc ay mga istrukturang ginamit pa noong panahon na ito ay bombing range ng U.S. Air Force, U.S. Navy, at Philippine Air Force.

Kamakailan, inaprubahan ng gobyerno ng China ang plano nitong bumuo ng “Huangyan Dao National Nature Reserve” sa lugar—isang hakbang na mariing kinondena ng Department of Foreign Affairs (DFA), na iginiit na tanging Pilipinas lamang ang may karapatang magtatag ng marine protected area sa Bajo de Masinloc. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here