Home METRO Unhealthy air index naitala sa 2 lugar sa Maynila

Unhealthy air index naitala sa 2 lugar sa Maynila

MANILA, Philippines – Sinabi ng Manila Department of Public Services nitong Martes, Mayo 14, na dalawang lugar sa lungsod ang nakapagtala ng “unhealthy” air quality index (AQI).

Ayon sa isang post sa Facebook, ang kalidad ng hangin sa Barangay 128 at ang lugar ng Fabella Hospital ay nabanggit na “hindi malusog para sa mga sensitibong grupo.”

“Ang mga taong may mga sakit sa paghinga tulad ng hika ay dapat limitahan ang mga panlabas na aktibidad sa loob ng paligid ng mga lugar ng UFSG,” saad sa pahayag.

Samantala, naitala naman ang lugar ng Rizal Park na may magandang AQI.

Ang datos ay nakuha mula sa tatlong monitoring location sa ilalim ng Asia Blue Skies Project alas-7 ng umaga noong Martes. Santi Celario