MANILA, Philippines – Inamin ng Department of Budget and Management(DBM) na mayroon pa rin na unprogrammed at confidential funds sa ilalim ng 2027 proposed national budget subalit maliit lamang ito kumpara sa mga nakaraang taon at tiyak na magagamit ito sa tunay na intensyon.
Sa pressconference matapos ang pagsusumite ng budget sa Kamara sinabi ni DBM Acting Secretary Kim Robert de Leon na ang unprogrammed appropriations sa National Expenditure Program(NEP) ay may “strict uses” at nakasunud ito sa kung ano ang tamang paggamit.
Sa 2027 budget ay nasa P111.984 B ang unprogrammed funds, ito ay pinakamaliit mula sa 2019 o nasa 1.5% lamang ng total expenditure program na pinakamababa mula 1991.
Ang unprogrammed appropriations (UA) ay standby financial buffer na isinasama sa national budget upang magamit sa oras na kailangang pondohan ang priority programs o “unforeseen” government expenses, maaari lamang gamitin kung magkakaroon ng dagdag na revenue collections, may bagong tax resources o naaprubahan na foreign loans.
Sa panig ni House Committee on Appropriations Chairperson at Nueva Ecija Rep Mikaela Suansing sinabi nito na gaya noong 2026 budget ay mayroon din UA subalit hindi na pinayagan na magamit ito sa infrastructure projects.
“we will make sure that the items in the unprogrammed appropriations are those that are really necessary”pagtiyak ni Suansing.
Samantala, nasa P10.773 Billion ang alokasyon sa 2027 para sa confidential funds, sa nasabing halaga, P4.368 B ang confidential fund habang P6.405 ang intelligence fund, ang nasabing halaga ay 8.8 percent na mas mababa kumpara noong nakaraang taon.
“katulad po noong 2026, kaparehong mga ahensya at departamento po ang makakatanggap ng confidential and intelligence funds and we wish to reiterate that the use of confidential and intelligence funds remains subject to existing budgeting, utilization, liquidation and auditing rules to ensure accountability and that the funds are used solely for their intended purposes”paliwanag ni de Leon. Gail Mendoza