Home OPINION UNTOUCHABLE NA PERYAHAN SA LAGUNA

UNTOUCHABLE NA PERYAHAN SA LAGUNA

BAGAMAN nagreklamo sa Senado dahil sa panghuhuli sa kanilang mga latag na peryahan ng mga pulis at ahente ng National Bureau of Investigation at napagdesisyunan ng Senado na “status quo” muna. 

Sa madaling salita, tigil sa operasyon ang perya kaya walang huhulihin ang mga alagad ng batas. 

Pero sa halip na tumigil, walang puknat ang operasyon ng peryahan sa Biting, Laguna, San Pablo, Laguna at maging sa Padre Garcia at San Jose sa Batangas.

Alam n’yo ba kung sino ang peryanteng namamayagpag? 

Si Aling Tessie, walang iba. Lumalabas na itong si Aling Tessie ay untouchable. 

Hindi lang kasi peryahan ang kanyang tinatayaan o hinahawakan subalit maging ang bookies sa San Pablo at Pansol kapwa sa Laguna ay hindi mapigilan kasi nga ay untouchable umano itong si Aling Tessie. 

Eh hindi kaya ang backer nitong untouchable na iligalistang ito ay nasa local government? Hindi pulis, hindi rin NBI. Lalong hindi si Juan de Sabog. Ha! Ha! Ha! 

Previous articlePBBM: PHILHEALTH PREMIUM  RATE HIKE ILALABAS NA
Next articleTUBIG!!!