Home NATIONWIDE UP alumna, inilahad sa Senado kung paano naloko ng CPP-NPA-NDF

UP alumna, inilahad sa Senado kung paano naloko ng CPP-NPA-NDF

Manila, Philippines – Isang alumna ng University t of the Philippines-Diliman, ang naglahad kung paano manloko ng mga estudyante ang mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF, nitong Martes sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Senator Ronald dela Rosa.

Sa pahayag ni Kate Raca,  graduate ng Bachelor of Science in Secondary Education Major in English sa UP-Diliman, inilahad nito ang sistema kung paano nakapanloloko ng mga mag-aaral ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front.

Gamit umano ng mga ito ang mga guro at mag-aaral na nauna nang naloko ng CPP-NPA-NDF.

Kwento ni Raca, 16 year old siya bilang freshman noon nang hikayatin siyang maging militante ng kanyang mga naging guro at kamag-aral.

Matapos maka-graduate noong 2019, naisama na siyang mamundok sa Mindoro upang isali sa Lucio de Guzman Command ng NPA.

Lusaw at basag na ang NPA unit na ito at mangilan-ngilan na lamang ang natitira sa panahon ngayon na patago-tago pa rin sa nga kabundukan.

Ayon kay Raca, nakaligtas siya at napasuko noon ding taon ng 2019 matapos ang matinding bakbakan sa pagitan ng NPA unit at mga sundalong Marine sa Palawan. Isa sa kanyang comrade, na si Rona Jane Manalo, na galing naman sa  UP Los Banos ang napatay sa sagupaang iyon.

Ang kanyang recruiter at trainer na si Kevin Castro, na miyembro ng  College of Education Student Council ay napatay rin sa engkwentro naman noong 2018 sa Quezon.

Sinabi naman ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict  National Secretariat Executive Director at Undersecretary Ernesto Torres Jr. , si Raca ay isang ehemplo ng matalinong estudyante, dahil napagtanto nito na ang terorismo ay ‘di makatao at katanggap-tanggap sa isang demokratikong lipunan.

“From activism to joining the bloody armed struggle of the CPP-NPA-NDF, she was able to restore her dignity as a person from the bondage of deception,” ani Torres.

Samantala, iginiit ni Raca sa naturang pagdinig ang kanyang naunang posisyon nang siya ay tumestigo sa mga unang pagdinig na nanloloko lamang ang CPP-NPA-NDF ng mga kabataang Filipino para gawin ang mga itong terorista.

“I was recruited as early as 2014 by Alay Sining of UP-Diliman Chapter, a recognized organization at that time by UP.  I myself graduated in UP in 2019, joined the NPA right after my graduation because the recruitment happens within UP grounds. How did it happen? E, ang nagrerekrut sa amin ay members ng student council and they used venues sa loob ng UP to conduct underground organizations activities using the name of student council. At that time, the recognized organizations are the Anakbayan, Alay Sining. We used these university venues, the whole of UP to conduct underground activities,” paliwanag ni Raca sa committee.

“I remember one time, member ng student council ang nagpa-reserve para magkaroon ng cultural night ang Kabataang Makabayan (KM) which is illegal, it’s an NDF (National Democratic Front) organization operating underground. And you know what we did? We collected support from students na ipapadala namin sa NPA. And that’s happening inside the university, it’s more than an allegation because I was there,” dagdag pa niya. RNT