Nakuha ng isang nagtapos sa University of the Philippines – Diliman ang pinakamataas na rating sa May 2025 Certified Public Accountants (CPA) Licensure Examination, inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC).
Si John Elrich Ramirez Gamboa ay nakakuha ng rating na 92.67, ang pinakamataas sa 3,156 na accountant na matagumpay na nakapasa sa pagsusulit.
Ang top performing schools na may 50 o mahigit na examinees na nakapasa at nakakuha ng 80% passing percentage ay ang University of the Philippines – Diliman at Bicol University – Daraga.
Maari namang makita ang kumpletong listahan ng mga nakapasa sa nasabing pagsusulit sa opisyal na website ng PRC. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)