MANILA, Philippines – Tatlong nagtapos mula sa University of the Philippines-Manila ang nakakuha ng unang dalawang pwesto sa November 2025 Occupational Therapists Computer-based Licensure Examination, ayon sa anunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC).
Nakakuha si Eliza Audrey Charlize Mauricio Castillo ng 88.50%, ang pinakamataas na porsyento sa mga pumasa.
Nakuha naman ng schoolmates ni Castillo ang second place na may percentage rating na 87.50%. Ito ay sina Tiffany Sapinoso Ching at Shane Colleen Lirasan Palongpalong.
Mayroong 374 OT graduates mula sa 507 ang matagumpay na nakapasa sa isinagawang exams.
Ang mga nangungunang paaralan, ayon sa Commission Resolution No. 1814, serye ng 2024, na may 20 o higit pang examinee at may hindi bababa sa 80% passing percentage ay:
-University of Santo Tomas; University of the Philippines-Manila; at Velez College
-Cebu Doctors University
-De La Salle Medical and Health Sciences Institute (formerly De La Salle University – Dasmariñas Health Science Campus)
-Angeles University Foundation
Ang kabuuang listahan ng mga nakapasa sa naturang pagsusulit ay maaaring makita sa opisyal na website ng PRC. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)