Home NATIONWIDE Marikina River nasa ikalawang alarma na!

[UPDATED] Marikina River nasa ikalawang alarma na!

359
0

MANILA, Philippines – Itinaas na sa ikalawang alarma ang babala sa Marikina River.

Ayon sa Marikina City local government unit, umabot na sa 16 metro ang taas ng lebel ng tubig sa Marikina River alas-2 ng hapon.

Sa oras na umabot ng 18 metro ang lebel ng tubig sa naturang ilog ay ipatutupad na ng lokal na pamahalaan ang forced evacuation at itataas na ito sa ikatlong alarma.

Naka-antabay naman ang lokal na pamahalaan sa mga residente na nakatira malapit sa ilog at sa mga flood-prone areas.

Kasalukuyan pa ring bumubuhos ang malakas na ulan sa Metro Manila at iba pang mga probinsya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here