KAPUWA nangako sina U.S. President Joe Biden at Japanese Prime Minister Fumio Kishida ng “new era” na US-Japan strategic cooperation.
Inilatag ang serye ng mga proyekto mula sa co-development ng missiles na naglalayong “to manned moon landings’ habang kinokondena ang umiigting na pag-uugali ng Tsina sa rehiyon.
Sa isang joint statement mula sa Washington summit, sinabi ng dalawang lider na ang kanilang layunin ay magtatag ng global security partnership na akma para sa hangarin nito, para sa komplikado at interconnected challenges.
Binigyang diin ni Biden ang matibay na commitment ng US para idepensa ang Japan gamit ang “full range of capabilities” nito kabilang na ang nuclear, at sinabi pa ng dalawang lider ang hakbang ng Japan na pasiglahin ang defense structure at abilidad na ilunsad ang “a new era of U.S.-Japan security cooperation.”
Tinuran pa ng dalawang lider ang planong i-upgrade ang kanilang military command-and-control frameworks na magagawang paganahin ang interoperability at pagpa-plano sa panahon ng kapayapaan at tunggalian.
Ang Estados Unidos at mga kaalyado nito kabilang na ang Japan, ay magtatayo ng kanilang military para kontrahin ang lumalagong banta mula sa Tsina sa mga lugar kabilang na ang South China Sea at paligid ng Taiwan.
Kapuwa inanunsyo rin nina Biden at Kishida ang plano na I-upgrade ang defense communications networks at i- network ang air defense capabilities sa pagitan ng U.S., Australia at Japan para kontrahin o salungatin ang air at missile threats.
“The defense plans will see the two sides establish a forum on defense industrial cooperation that would identify areas for co-development and co-production of missiles and maintenance of U.S. warships and aircraft,” ayon sa kalatas.
Magtatatag din ang mga ito ng isang working group para sa fighter pilot training, kabilang ang AI at advanced simulators, at co-development at co-production ng jet trainers.
Inanunsyo rin ng dalawang lider ang “shared goal” para sa isang Japanese national na maging first non-American na lalapag sa buwan sa isang Artemis mission.
“Artemis envisages returning humans there by 2026, as competition with Russia and China intensifies,” ayon sa ulat.
Sinabi pa rin sa joint statement na ang umiiral na “three partners” sa AUKUS defense project ay kinokonsidera ang kooperasyon sa Japan ukol sa “advanced capabilities and technologies across a range of areas” kabilang ang “quantum computing, undersea, hypersonic, artificial intelligence at cyber technology.”