Home NATIONWIDE ‘Invisible hand’, nagpapakalat ng disinformation laban sa Tsina sa Pinas- Chinese Embassy

‘Invisible hand’, nagpapakalat ng disinformation laban sa Tsina sa Pinas- Chinese Embassy

126
0

MANILA, Philippines – NANINIWALA ang Chinese Embassy sa Pilipinas na mayroong “invisible hand” na nagpapakalat ng disinformation tungkol sa Tsina.

Ang ginagawa ng “invisible hand” ay lalo pang pinapainit ang maritime disputes sa pagitan ng dalawang bansa, pinapalakas ang maritime differences, lumilikha ng tensyon at nananakot ukol sa giyera.

“It aims at nothing but poisoning the atmosphere of China-Philippines relations and disrupting their development. We believe that the Filipino people have discerning eyes and can see through these shenanigans, and shall not be deceived by false narratives,” ayon sa embahada ng Tsina.

Nauna rito, itinanggi naman ng Chinese Embassy na sinusubukan ng Chinese companies o “sleeper cells” na lihim na pasukin ang bansa, sabay sabing ang mga bagay na iyon ay pawang mga akusasyon lamang na naglalayong gisingin ang Sinophobic sentiments sa Pilipinas.

Ang pahayag na ito ng Embahada ay matapos na isiwalat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Department of Information and Communications Technology (DICT) na may pinaghihinalaang kompanya ng Tsina na nagpapanggap na American o European enterprises ang nagre-recruit ng mga sundalong Filipino bilang analysts online, nagpapalutang ng mga hinaing ukol sa national security ng bansa.

Sa isang kalatas, binasura ng Chinese Embassy sa Maynila ang nasabing pahayag at itinuring itong groundless accusations.

“Those are merely malicious speculation and groundless accusation against China with the purpose of inciting Sinophobic sentiments in the Philippines. We firmly oppose this,” ayon sa Embahada.

Habang sinasabi na ang pagkakaibigan ng dalawang bansa ay palaging ‘mainstream’ ng kanilang bilateral relations, inisip ng Embahada na mayroong nagtatangkang impluwensiyahan ang Pilipinas laban sa Tsina.

Magkagayon man, kumpiyansa pa rin ang Embahada na hindi magpapaloko at maniniwala ang mga Filipino sa maling salaysay.

Sa kabilang dako, pinaalalahanan naman ng Chinese Embassy ang mga Filipino na hindi kailanman nakialam ang Tsina sa Pilipinas. Maaari pa anito na may ibang bansa ang “successive invaders at colonizers” ng Pilipinas.

“The friendly relations between China and the Philippines date back over a thousand years, in the course of which China has never invaded the Philippines,” ayon sa Embahada.

“China always adheres to the principle of non-interference in the internal affairs of other countries,” dagdag na pahayag ng Embahada.

Ayon sa Embahada, ang ipinapahiwatig na mayroong Chinese “sleeper cells” ay malinaw na kathang-isip lamang.

“The so-called ‘sleeper cells’ of China in the Philippines [are] nothing but [a] fabrication,” ayon sa Embahada.

“Instead, we see habitual meddling in other nations’ internal affairs, fostering domestic division and confrontation, and instigating “color revolutions” by some country,” ang sinabi pa rin ng Embahada.

Sa halip, hinikayat ng Chinese Embassy, ang mga ‘relevant parties’ sa Pilipinas na tigilan na ang pagpapaikot ng maling salaysay at magsulsol ng anti-China sentiments.

“It is hoped that the Philippine side, taking into account the broader context of China-Philippines relations and regional peace and stability, will return to the right track of dialogue and consultation at the earliest opportunity, meet China halfway, manage differences through concrete actions, and promote the stable development of bilateral relations,” ayon sa Embahada. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here