Home NATIONWIDE US gov’t humiling ng mga dokumento laban sa ex-Comelec chair – Garcia

US gov’t humiling ng mga dokumento laban sa ex-Comelec chair – Garcia

113
0

MANILA, Philippines – Hiniling ng gobyerno ng Amerika sa Commission on Elections (Comelec) na magbigay ng mga dokumento para sa kaso laban kay dating Comelec Chairman Andy Bautista na iniulat na nahaharap sa money-laundering at bribery charges sa Amerika.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia sa panayam ng ANC na nakipag-ugnayan ang US government at hiningi ang tulong ng Comelec para rito.

Aniya, hiniling ng gobyerno ng Amerika sa komisyon ang ilang mga dokumento at hiniling din na kunan ng pahayag ang ilang indibidwal mula sa komisyon.

Katunayan ayon sa poll chief, ang poll body ay tumulong at ganap na nakipagtulungan at ibinigay ang lahat ng hinihiling ng Amerika dahil nais aniya nilang maging transparent hanggat maaari at ito ay para malaman ang katotohanan.

Sinabi ni Garcia na bagamat hiningan sila ng ilang testimonya at dokumento, hindi sila naabisuhan tungkol sa background ng reklamo laban sa dating Comelec chairman.

Dahil dito, umapela si Garcia sa Amerika na magbigay ng impormasyon sa kaso na kinakaharap ni Bautista upang ang Comelec ay hindi nangangapa sa dilim.

“Sana po ma-i-provide din sa amin para malaman natin what’s the real reason for the indictment, ‘yung puno’t dulo po para hindi naman in the dark a commission,“ dagdag pa ng poll chief.

Nitong Lunes, Oktubre 2, ibinunyag ni Garcia na bumuo ng fact-finding task force upang suriin ang lahat ng kontrata at maghanap ng mga kaugnay na impormasyon kaugnay sa pagbili ng automated election system (AES) machines noong 2016.

Itinanggi ni Bautista ang alegasyon sa X o dating Twitter.

Sinabi nito na handa niyang sagutin ang umano’y mga kaso laban sa kanya sa tamang forum at oras. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here