Home NATIONWIDE US: Iran kayang gumawa ng fissile material para sa nuclear weapon sa...

US: Iran kayang gumawa ng fissile material para sa nuclear weapon sa loob ng 1 o 2 linggo

108
0

Washington, United States- May kapabilidad ang Iran na mag-prodyus ng fissile material na ginagamit sa nuclear weapon sa loob ng “one or two weeks,” base kay US Secretary of State Antony Blinken nitong Biyernes.

Kasunod ang ulat ng kapabilidad ng Iran ng kamakailang pagkakahalal ni President Masoud Pezeshkian, na sinabing target niya “to get Iran out of its isolation,” at pabor sa pagbuhay sa 2015 nuclear deal sa pagitan ng Iran at global powers.

Inihayag ni Blinken na “what we’ve seen in the last weeks and months is an Iran that’s actually moving forward” sa nuclear program.

Kumalas ang United States noong 2018 mula sa Iran nuclear deal, na idinesenyo para sa regulasyon ng atomic activities ng Iran kapalit ng pagkalos sa international sanctions.

Sa kanyang talumpati sa security forum sa Colorado, isinisi ni Blinken sa pagbagsak ng nuclear deal ang pag-igting ng kapabilkidad ng Iran.

“Instead of being at least a year away from having the breakout capacity of producing fissile material for a nuclear weapon, (Iran) is now probably one or two weeks away from doing that,” giit ni Blinken.

Aniya pa, hindi pa nakabubuo ang Iran ng nuclear weapon.

Sinabi naman ni Iran’s acting Foreign Minister Ali Bagheri nitong linggo na nananatiling committed ang kanyang bansa sa kasunduan, kilala bilang JCPOA.

“We are still a member of JCPOA. America has not yet been able to return to the JCPOA, so the goal we are pursuing is the revival of the 2015 agreement,” anang opisyal. “We are not looking for a new agreement.”

Dagdag ni Bagheri: “Neither I nor anyone else in Iran has not talked and will not talk about a new agreement. We have an agreement (signed) in 2015.”

Inilahad ito ni Blinken ilang araw matapos lumitaw ang mga ulat na pinaigting ng US Secret Service ang seguridad para kay Republican presidential nominee Donald Trump ilang linggo na ang nakalipas, matapos mapag-alaman ng mga awtoridad ang umano’y plano ng Iran na patayin ito. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here