Home NATIONWIDE NFA: P30/kilo buying price ng palay mananatili

NFA: P30/kilo buying price ng palay mananatili

162
0

MANILA, Philippines- Sinabi ng National Food Authority (NFA) nitong Sabado na ang buying price para sa palay ay mananatiling “competitive” upang matiyak na makukuha ng mga lokal na magsasaka ang pinakamalaking halaga na maaari nilang kitain.

“Unless revised by the NFA Council, our ceiling price for clean and dry palay will stay at P30 a kilo,” giit ni NFA administrator Larry Lacson.

Sa kalagitnaan ng Abril ngayong taon, itinaas ng NFA Council ang buying price ng palay sa P17-P30 kada kilo mula P16-P23 kada kilo upang tulungan ang ahensya na makipagkompetensya sa private traders.

Nasa Davao Oriental si Lacson at ilang miyembro ng NFA Council upang magsagawa ng dayalogo sa mga magsasaka at NFA employees. 

Ininspeksyon din ng NFA officials ang mga pasilidad at rice inventory.  RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here