Home ENTERTAINMENT Xian, ibinisto ang dahilan ng Maris-Rico splitup!

Xian, ibinisto ang dahilan ng Maris-Rico splitup!

161
0

Manila, Philippines – Obyus na pinangangatawanan talaga ni Xian Gaza ang bansag sa kanya bilang Pambansang Marites.

Sa kanyang Facebook post, ibinisto niya na: “Nag-NO pala si Maris nang mag-propose sa kanya si Rico! Atin-atin na lang ‘to!”

Ang tinutukoy ni Xian ay ang nagsplit na sina Maris Racal at Rico Blanco.

Matatandaang at a recent presscon, Maris broke into tears as she confessed about their breakup.

llang linggo na raw silang hiwalay.

But Maris was quick to clarify na hindi raw si Rico ang may diperensya kundi siya.

Aniya, “Maybe I turned to the next page.”

Napagtanto raw kasi niya na meron siyang ibang life perspective na salungat ng kay Rico.

Naging mitsa tuloy ‘yon ng mga ispekulasyon as to the root cause of the breakup.

May mga nagsasabing may third party raw involved. On whose side ay hindi malinaw.

Still others insist na hindi raw si Maris ang tipo ng babaeng magpapakasal, basta ine-enjoy lang daw nito ang company ni Rico sa kabila ng kanilang age gap.

With Xian dipping his fingers into the issue ay hindi maiaalis na makatikim ito ng pamba-bash sa social media.

Umarya na naman daw kasi ito tulad ng mga ginawa niya in the past na nagpasikat sa kanya “in a bad light.”

Samantala, shortly after the breakup ay idinaan ni Rico sa post ang kanyang saloobin by picking the song Kisapmata.

Obyus na patungkol ‘yon kay Maris at sa pagmamahal nito sa kanya which vanished in a blink of an eye. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here