MANILA, Philippines- Gagawin ng United States ang kinakailangan upang makita na makakapag-supply ang Pilipinas sa barko sa Second Thomas Shoal na simbolo ng soberanya ng Manila sa atoll, base kay White House national security adviser Jake Sullivan nitong Biyernes.
Inihayag ni Sullivan na na pabor ang US sa pag-resupply ng Pilipinas sa crew sa warship Sierra Madre, na isinadsad sa lugar mula pa 1999 upang igiit ang maritime claims sa South China Sea na inaangkin ng China.
Sa kanyang talumpati sa Aspen Security Forum conference sa Colorado, sinabi ni Sullivan na nilinaw ng United States sa China na umiiral ang mutual defense treaty sa Pilipinas sa Sierra Madre.
“The most important thing right now is to see de-escalation and to see the ability of the Philippines to do resupplies,” anang opisyal. RNT/SA