Home NATIONWIDE US, mga ka-alyado magpapataw ng mas marami pang sanction vs Iran

US, mga ka-alyado magpapataw ng mas marami pang sanction vs Iran

UNITED STATES – Naghahanda ng mga bagong sanction ang Estados Unidos at mga ka-alyado nito laban sa Iran dahil sa pag-atake nito sa Israel.

Partikular na pinaplano ng US at Europe ang mas mahigpit na economic at political sanctions laban sa Iran.

Plano ng US na magpataw ng mga bagong sanction target ang missile at drone program ng iran sa mga susunod na araw, at inaasahang susunod din dito ang mga kaalyado nito, saad sa pahayag ni National Security Advisor Jake Sullivan nitong Martes, Abril 16.

Nauna nang sinabi ni Treasury Secretary Janet Yellen na gagamit ng mga sanction ang US at makikipagtulungan sa mga ka-alyado nito upang guluhin ang “malign and destabilizing activity” ng Iran.

Ayon kay European Union foreign policy chief Josep Borrell, ilang member states ang humiling na palawakin ang mga sanction laban sa Iran at magsisimula na ang diplomatic service ng bloc sa panukala.

Ani Borrell, target ng panukala ang sanction na naglalayong limitahan o paliitin ang suplay ng Iranian drones sa Russia. RNT/JGC