Home TOP STORIES US patuloy umaatake sa Iran

US patuloy umaatake sa Iran

3
0

WASHINGTON, USA – Lalong tumindi ang tensyon sa pagitan ng United States at Iran matapos magsagawa ng panibagong pag-atake ang US sa mga target militar ng Iran.

Ayon sa US military, tinamaan nila ang dose-dosenang military targets bilang tugon sa umano’y pag-atake ng Iran sa mga barkong dumaraan sa Strait of Hormuz, isang mahalagang ruta ng suplay ng langis sa buong mundo.

Iginiit naman ng Iran na tinamaan din ng mga pag-atake ang mga sibilyang imprastraktura at nagbabala na lahat ng imprastraktura ng US at mga kaalyado nito sa rehiyon ay maaari nilang atakihin bilang ganti.

Bilang tugon, iniulat ng Qatar, Kuwait, at Bahrain na nakaranas sila ng mga pag-atake ng missile. Pinayuhan ang mga residente na manatili sa ligtas na lugar habang patuloy ang tensyon.

Anim na araw nang nagpapatuloy ang palitan ng mga pag-atake sa pagitan ng dalawang panig. Patuloy ring nagbabala ang Iran na maaari nitong isara ang Strait of Hormuz hangga’t nagpapatuloy ang pag-atake ng US.

Samantala, sinabi ng White House na bukas pa rin si US President Donald Trump sa diplomasya, ngunit pananagutin umano ang Iran sa mga pag-atake nito sa mga barko sa rehiyon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here