Home NATIONWIDE US, Pinas, magsasagawa ng security talks

US, Pinas, magsasagawa ng security talks

MANILA, Philippines – MAGSASAGAWA ang Estados Unidos at Pilipinas ng security talks sa Maynila sa Hulyo 30 kasama ang kanilang foreign at defense ministers.

Layon ng dalawang bansa na palakasin ang pagtutulungan sa pagharap sa panggigiit ng Tsina sa South China Sea.

“The upcoming “two-plus-two” meeting with U.S. Secretary of State Antony Blinken, Philippine Foreign Secretary Enrique Manalo, U.S. Defense Secretary Lloyd Austin and his Filipino counterpart Gilbert Teodoro will take place after the security allies concluded negotiations on the text of a proposed military intelligence-sharing accord about two weeks ago,” ayon sa source.

Tulad ng security talks sa pagitan ng dalawang bansa kung saan huling isinagawa noong April 2023 sa Washington.

Gayunman, sinabi ng isang opisyal ng Philippine government na malabo ang paglagda sa kasunduan sa panukalang General Security of Military Information Agreement sa July 30 meeting.

Kailangan naman ang pagbisita ng mga opisyal ng Estados Unidos sa Philippine military camps para isapinal ang GSOMIA, ayon sa government official.

Buwan ng Abril, kapuwa inanunsyo ng dalawang gobyerno ang layunin ng mga ito na isapinal ang GSOMIA sa pagtatapos ng 2024.

“Manila is open to having such an intelligence-sharing accord with Tokyo, ayon kay Teodoro.

Araw ng Lunes, kapuwa nilagdaan ng Japan at Pilipinas ang bilateral defense agreement para magamit ang joint exercises para sa mas malapit na ‘security cooperation’ sa panahon ng kanilang two-plus-two meeting sa Maynila, kung saan inihayag nila ang kanilang mga alalahanin hinggil sa “dangerous and escalatory actions by China” sa South China Sea.

May ilang bansa naman ang nago-overlap sa territorial claims sa karagatan. Kris Jose