Home NATIONWIDE Higit 1,000 gov’t sites nakitaan ng DICT ng 73,000 na kahinaan

Higit 1,000 gov’t sites nakitaan ng DICT ng 73,000 na kahinaan

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na nakahanap ito ng 73,000 vulnerabilities mula sa higit sa 20,000 digital asset ng gobyerno.

Sinabi ni DICT Undersecretary Jeffrey Ian Dy na ang mga vulnerabilities na ito ay nakakaapekto sa mahigit 1,000 ahensya ng gobyerno, kabilang ang mga local government units at government-owned and controlled corporations.

Natuklasan ang mga vulnerabilities sa pamamagitan ng Project SONAR ng DICT o ang Security Orchestration at Network Assessment and Review System.

Nangangahulogan na ang kahinaannng Sistema ang tinitignan sa technological vulnerability.

Sa kabila ng pagsisikap mula sa DICT na ipaalam sa mga ahensya ng gobyerno sa kanilang kahinaan, sinabi ni Dy na 21% lamang ang tumugon sa mga rekomendasyon upang maprotektahan ang kanilang sistema mula sa mga hacker.

Ngunit sinabi ng DICT na ang kakulangan ng mga propesyonal sa information technology sa gobyerno ay maaaring dahilan sa likod ng mababang bilang.

Kaya naman nakipag-ugnayan ang ahensya sa Civil Service Commission at Department of Budget and Management ( DBM) upang magbukas ng plantilla position para sa cybersecurity workers. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)