Home METRO UST Mindanao campus pinasinayaan

UST Mindanao campus pinasinayaan

MANILA, Philippines- Binuksan ng University of Santo Tomas (UST) ang una nitong campus sa Mindanao.

Pinasinayaan nina Bishop Cerilo Alan Casicas ng Marbel at Dominican Prior Provincial Fr. Filemon dela Cruz Jr. ang 82-ektaryang campus sa General Santos City nitong Huwebes, ayon sa ulat ni Felipe Salvosa II, journalism program head ng UST Manila, na naka-post sa website ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP),

Batay sa ulat, mag-aalok ang campus ng mga programa sa health sciences, business and accountancy, at engineering and information technology sa inaasahang inisyal na 500 enrollees.

Sinabi ni UST Rector Fr. Richard Ang na kumakatawan ang campus sa layunin ng UST na gawin ang General Santos City na “educational center” sa rehiyon.

Inihayag pa niya na “UST is not a threat, but a treat” at nangakong makikipag-ugnayan sa iba pang higher education institutions sa lungsod.

Base rin sa ulat, kasya sa seven-story main building ang 5,000 estudyante. Itinulad ito sa main building sa Manila campus ng UST. RNT/SA