Home NATIONWIDE Utang ng Pinas inaasahang bababa sa Disyembre – BTr

Utang ng Pinas inaasahang bababa sa Disyembre – BTr

286
0

MANILA, Philippines – Umabot sa ₱17.56 trilyon ang kabuuang utang ng Pilipinas hanggang Hulyo 2025 ngunit inaasahang bababa ito pagdating ng Disyembre, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr). Nakatakdang bayaran ng ahensya ang ₱814.2 bilyon sa domestic bonds ngayong taon.

“The national government’s borrowings are used to support key infrastructure and development initiatives in education, healthcare, agriculture, and social services,” ayon sa BTr, na binigyang-diin na 76% ng pangungutang mula Enero hanggang Hulyo ay domestic upang mabawasan ang panganib sa foreign exchange.

Sa pagtatapos ng Hulyo, umabot sa 68.9% ang domestic debt mula sa kabuuang utang, mas mataas kumpara sa 68.1% noong 2024.

Ipinunto ng Treasury na nananatiling nakatuon ang administrasyong Marcos Jr. sa maingat na pamamahala ng utang, fiscal sustainability, at pagtitiwala ng mga mamumuhunan sa peso-denominated securities.

“The government will strictly adhere to its refined Medium-Term Fiscal Program to remain on track with its targets,” dagdag pa ng BTr. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here