Home HOME BANNER STORY Henry Alcantara sinibak sa DPWH —Dizon

Henry Alcantara sinibak sa DPWH —Dizon

308
0

MANILA, Philippines – Sinibak na sa serbisyo si dating Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara kaugnay ng imbestigasyon sa mga maanomalyang flood control projects, ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon nitong Huwebes.

“He is now dismissed. I will call for summary dismissal of Henry Alcantara,” ani Dizon sa inspeksyon sa Plaridel, Bulacan.

Dagdag pa niya, ire-rekomenda ng DPWH Legal Service ang pagsampa ng kasong kriminal sa Ombudsman. “Well, obviously, criminal ito. Pagnanakaw ito e, P100 million,” wika ni Dizon.

Sa Senate hearing, inamin ni Alcantara na pinirmahan niya ang certificate of completion para sa ₱55-milyong flood control project sa Baliwag na napatunayang ghost project.

Giit niya, umasa siya sa inspection report ng kanyang team. Inamin din niyang gumamit siya ng pekeng ID para makapasok sa casino, bawal para sa mga kawani ng gobyerno.

Bilang district engineer, pinangasiwaan ni Alcantara ang 13 lokalidad sa Bulacan at 450 flood control projects na may kabuuang halagang ₱28.9 bilyon mula 2022 hanggang 2025, kabilang ang ghost project sa Baliwag.

Dagdag pa ni Dizon, nakatakda ring simulan ang proseso ng pagpapatalsik kina Brice Hernandez at Jaypee Mendoza ng DPWH Bulacan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here