Home HOME BANNER STORY Utang ng Pinas lumobo pa sa P14.51T

Utang ng Pinas lumobo pa sa P14.51T

MANILA, Philippines – Lumobo pa sa bagong record high na P14.51 trilyon ang sovereign debt ng Pilipinas sa pagtatapos ng Nobyembre.

Sa datos na inilabas ng Bureau of the Treasury nitong Miyerkules, Enero 3, makikita na ang running debt balance ng pamahalaan ay nasa P14.51 trilyon, o mas mataas ng 0.19% mula sa P14.48 trilyon sa pagtatapos ng Oktubre 2023.

Sinabi ng BTr na ang month-on-month increment sa government debt stock ay “primarily due to the net issuance of domestic securities.”

Sa total running debt, pinakamalaking bahagi o 69.09% ang kinuha ‘locally’ habang ang nalalabing 30.91% ay mula sa foreign sources.

Ang domestic debt ng bansa ay nasa kabuuang P10.02 trilyon, mas mataas ng 1.23% mula sa P9.9 trilyon sa pagtatapos ng Oktubre 2023, “due to the net issuance of government securities.”

“New domestic debt issued during the month totaled P171.091 billion while principal redemption amounted to P45.14 billion, underlying a net issuance of P125.95 billion,” sinabi pa ng Treasury.

Samantala, ang external debt ng bansa ay nasa P4.48 trilyon, bumaba naman ng 2.06% mula sa P4.6 trilyon sa pagtatapos ng naunang buwan.

“For November, the lower level of external debt was due to the net repayment of foreign loans amounting to P1.08 billion and favorable foreign exchange movements, wherein the P109.37 billion reduction attributed to peso appreciation against the US dollar far exceeded the upward adjustment linked to third-currency appreciation of P16.30 billion,” saad ng BTr.

Ang debt-to-gross domestic product (GDP) ratio, na sumusukat sa halaga ng utang ng bansa na may kinalaman sa lawak ng ekonomiya, ay bumuti sa 60.2% sa ikatlong quarter ng 2023, mula sa 61% sa ikalawang quarter.

Ito ay kasunod ng pinakamabilis na economic growth sa kaparehong panahon sa 5.9%, mula sa 4.3% noong second quarter.

Ang mas mababang debt-to-GDP ratio ay nangangahulugan na kayang bayaran ng bansa ang utang na walang matinding epekto sa ekonomiya nito.

Layon ng Medium Term Fiscal Framework ng administrasyon na pababain pa ang debt-to-GDP ratio nang mas mababa sa 60% pagsapit ng 2025, at 51.1% sa 2028. RNT/JGC

Previous articleAmihan magpapaulan pa rin sa Luzon
Next articleBabae pinugutan ng ulo, iniregalo ng suspek sa kainuman