Home HOME BANNER STORY Utang ng Pinas lumobo sa P15.69T

Utang ng Pinas lumobo sa P15.69T

MANILA, Philippines – Lumobo ang utang ng Pilipinas sa pagtatapos ng Hulyo 2024.

Sa datos na inilabas ng Bureau of Treasury (BTr) nitong Martes, Setyembre 3, Nakita na ang total outstanding debt ng bansa ay nasa P15.689 trilyon, o mas mataas ng 1.3% mula sa
P15.483 trilyon sa katapusan ng Hunyo 2024.

Ang P206.49 bilyon na month-on-month growth sa debt stock ng bansa ay “primarily driven by the net issuance of both domestic and external debt.”

Sa datos ng BTr, Nakita na ang year-to-date fiscal deficit ng national government ay nasa P642.8 bilyon sa pagtatapos ng July 2024, o mas mataas ng 7.21% year-on-year.

Malaking bahagi ng sovereign debt o nasa 68.54% ay nakuha ‘locally’ habang ang nalalabing 31.46% ay ‘sourced externally.’

Ang domestic debt ng pamahalaan ay nasa P10.753 trilyon sa nasabing panahon, o mas mataas ng 1.7% mula sa P10.573 bilyon sa katapusan ng Hunyo.

“The rise in domestic debt was mainly due to the P180.52 billion net issuance of government securities, although partially tempered by the P490-million downward revaluation effect of peso appreciation1 on US dollar-denominated domestic securities,” ayon sa BTr.

Kumpara sa end-December 2023 level, ang domestic debt ng bansa ay lumago ng 7.3% o P735.22 bilyon.

Samantala, ang foreign debt ng pamahalaan ay umabot sa P4.936 trilyon sa katapusan ng Hulyo 2024 o tumaas ng 0.5% o P26.45 bilyon na mas mataas sa month-on-month.

“The rise in external debt can be attributed to the net availments of project loans of P5.25 billion and third-currency upward revaluation of P35.44 billion, albeit partially attenuated by the P14.23 billion impact of peso appreciation against the US dollar,” sinabi ng Treasury.

Sa pagsisimula pa lamang ng taon, ang external debt ng Pilipinas ay tumaas ng P338.50 bilyon o 7.4% mula sa end-December 2023 level nito na P4.598 trilyon. RNT/JGC