Home NATIONWIDE Pasok sa mga korte, opisina sa NCR, CALABARZON suspendido na – SC

Pasok sa mga korte, opisina sa NCR, CALABARZON suspendido na – SC

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Korte Suprema ang suspension ng pasok sa lahat ng korte at mga opisina nito sa National Capital Region (NCR) at CALABARZON ngayong Martes, Setyembre 3 dahil sa tropical storm Enteng.

Sa pahayag, sinabi ng SC na mananatili ang skeleton forces sa Docket Receiving ng SC Judicial Records Office at Cash Collection and Disbursement Division, SC Fiscal Management, at Budget Office.

Dagdag pa, accessible sa kani-kanilang hotline numbers at official emails ang mga korte at opisina sa NCR at CALABARON.

“All concerned judges and clerks of courts should observe the protocols on disaster reportorial and response mechanisms,” aniya.

“Judges should also monitor the condition of their court premises to determine or conduct any required clean-up operation or repair/rehabilitation work,” dagdag pa.

Ayon sa SC, ito ay may kaugnayan sa anunsyo ni Executive Secretary Lucas Bersamin ng suspension ng pasok sa mga opisina ng pamahalaan sa dalawang rehiyon.

Samantala, sa hiwalay na post ay sinabi ng SC na ang court operations sa Santiago City, Isabela, La Union at Bataan ay suspendido rin. RNT/JGC