MANILA, Philippines – SUMIRIT ang sovereign debt ng Pilipinas sa pinakabagong record nito para sa February 2025, sumasalamin ito sa nagpapatuloy na borrowing efforts ng Pilipinas para pondohan ang socioeconomic at infrastructure initiatives.
Ito ang makikita sa data na ipinalabas ng Bureau of the Treasury, araw ng Martes, Abril 1.
Sinasabing ang outstanding debt ng national government ay P16.63 trillion sa pagtatapos ng Pebrero, nagmarka ito ng 1.96% na pagtaas mula sa P16.31 trillion para sa January 2025.
Ayon sa Treasury, “the increase was primarily driven by the net issuance of new domestic and external debt to support public programs and projects.”
Iniugnay naman ito ni Michael Ricafort, chief economist ng Rizal Commercial Banking Corp., sa pagtaas ng debt stock sa nagpapatuloy na fiscal deficit, na nangangailangan ng mas maraming ‘borrowing’ para tustusan ang government expenditures na lampas sa kita.
Ang pagtaas ng sovereign debt ay “partially tempered by the peso’s appreciation against the US dollar, strengthening to P57.99:$1 from P58.375:$1 month-on-month.”
“The Philippines’ debt remains predominantly domestic, accounting for 67.5% of the total, while foreign obligations make up 32.5%. The Treasury emphasized that this financing mix helps mitigate external risks while leveraging the country’s liquid domestic market,” ayon sa ulat.
Ang domestic debt ay umabot na sa P11.22 trillion, tumaas ng 1.26% mula P11.08 trillion noong Enero.
Ito’y dahil sa “P140.72 billion in net domestic financing, as gross government securities issuance of P268.25 billion outweighed redemptions of P127.53 billion.”
Ang peso appreciation ay nakatulong para mabawasan ang overall domestic debt valuation ng P1.10 billion.
Ang foreign debt ay tumaas ng 3.44% sa P5.41 trillion mula P5.23 trillion nitong Enero.
Ito ay dahil sa net foreign borrowing na P193.71 billion at P20.41 billion appreciation effect sa third currency-denominated debt.
Gayunman, ang P34.48 billion reduction sanhi ng peso appreciation laban sa US dollar offset ay bahagi ng increase.
Sa kabilang dako, nakapag-secure naman ang gobyerno ng P197.30 billion na external financing, kabilang na ang:
P190.82 billion mula sa triple-tranche global bond issuance: 10- and 25-year US dollar bonds ($2.25 billion) at 25-year Euro bonds (€1.0 billion).
P6.48 billion in project loans, inilaan para sa:
Rail projects sa pamamagitan ng Japan International Cooperation Agency (P3.86 billion)
Physical connectivity at health sector projects ksama ang Asian Development Bank (P1.71 billion)
Agricultural at health sector programs kasama ang International Bank for Reconstruction and Development (P0.91 billion)
Sa kabila ng pagtaas ng debt levels, pinanindigan naman ng BTr na ang sovereign debt uay nananatiling manageable, kasama ang debt-to-GDP ratio na 60.7% sa pagtatapos ng 2024—bahagyang umangat sa internationally accepted threshold na 60%.
“To ensure sustainable debt management and bring the debt-to-GDP ratio below 60%, tax and fiscal reform measures are necessary to narrow the budget deficit,” ang sinabi ni Ricafort.
Ang lower debt-to-GDP ratio ay nagpapahiwatig na may kakayahan ang bansa na bayaran ang utang nang walang negatibong epekto sa ekonomiya. Kris Jose