Home NATIONWIDE UV Express van driver na nang-araro sa QC kakasuhan ng murder, 5...

UV Express van driver na nang-araro sa QC kakasuhan ng murder, 5 iba pang reklamo

291
0

MANILA, Philippines – Nahaharap sa reklamong murder at lima iba pang paglabag ang UV Express van driver na nasangkot sa pagbangga at pag-araro ng mga motorsiklo at sasakyan sa Commonwealth Avenue.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), sinabi ni QCPD Station 14 commander Lt. Col. Jefry Gamboa na ang reklamo ay inihain sa lokal na korte nitong Sabado.

“We filed a complaint for murder, frustrated murder, malicious mischief, abandonment of one’s own victim, resistance and disobedience to a person in authority and their agents and Republic Act 10586 or the Anti-Drunk Driving Act,” ani Gamboa.

Matatandaan na inararo ng UV Express van driver ang 14 na motorsiklo sa bahagi ng Commonwealth Avenue mula Commission on Human Rights hanggang Tandang Sora Avenue noong Biyernes ng umaga.

Ikinasawi ito ng isang motorista at ikinasugat naman ng marami.

Matapos ang habulan ay naaresto ito ng QCPD Traffic Sector 5.

Ayon kay Gamboa, ang drayber ay walang dating criminal record sa QCPD at nagnegatibo sa alcohol. Sa kabila nito, nagpositibo naman ang drayber sa paggamit ng shabu.

Noong Sabado rin, binawi na ng Department of Transportation permanently ang driver’s license ng suspek. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here