MANILA, Philippines – Nakinabang at tumanggap ng donasyon mula sa mga contractor ang ilan sa mga kandidato noong May elections.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, hindi bababa sa pitong kandidato na ang apat sa kanila ay tumakbo sa pagka-senador habang dalawa ay mula sa hanay ng partylist.
Base aniya ito sa nakuha nilang datos mula sa 21 contractor na kanilang nakitang tumulong sa kandidatura ng mga tumakbo noong mid-term elections at sa mga isinumiteng SOCE o statement of contributions and expenditures ng mga tumakbo noong halalan.
Sa ngayon ay hinihintay pa ng Comelec ang sertipikasyon ng DPWH para matiyak kung may kontrata sa gobyerno ang natukoy na 21 contractor.
Hindi na binanggit ni Garcia ang pangalan ng pitong kandidato na tumanggap ng donasyon dahil nagpapatuloy pa ang pagsisiyasat hinggil dito. Jocelyn Tabangcura-Domenden