Home METRO VA timbog sa sideline na P2.38-M shabu sa Bacolod

VA timbog sa sideline na P2.38-M shabu sa Bacolod

1
0
(Image representation only)

BACOLOD CITY — Arestado ang isang 21-anyos na virtual assistant matapos makumpiskahan umano ng P2.38 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Barangay 12, Bacolod City nitong Linggo, Agosto 16.

Ayon sa Police Regional Office-Negros Island Region (PRO-NIR), isinagawa ng mga tauhan ng Bacolod City Police Office Police Station 1 ang operasyon dakong alas-1:16 ng madaling araw sa Palanca Road.

Kinilala lamang ang suspek sa alyas na “Jo.” Isinailalim umano siya sa surveillance at validation matapos makatanggap ang pulisya ng impormasyon hinggil sa kanyang sinasabing pagkakasangkot sa illegal drug trade.

Sinabi ng PRO-NIR na nagtatrabaho bilang virtual assistant ang suspek at umano’y nagbebenta rin ng ilegal na droga sa Barangays 12, 16 at 35 at iba pang kalapit na lugar.

Nasamsam sa operasyon ang tinatayang 350 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P2.38 milyon, kasama ang buy-bust money at iba pang ebidensya.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek at inihahanda ang mga reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Patuloy naman ang imbestigasyon upang matukoy ang pinagmumulan at iba pang posibleng sangkot sa distribusyon ng ilegal na droga. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here