Home HOME BANNER STORY VAT refund sa turista, new DBP charter, evac centers, FTA sa South...

VAT refund sa turista, new DBP charter, evac centers, FTA sa South Korea, aprub sa Senado

Inaprubahan ng Senado nitong Lunes ang tatlong panukalang batas sa ilalim ng Senate Bill Nos. 2415, 2451 at 2804 kabilang ang isang resolusyon na kumakatig sa kasunduan ng Pilipinas sa free trade sa South Korea.

Nakakuha ng 20 botong pabor, isang tumutol at walang abstention ang Senate Bill 2415 na naglalayong lumikha ng isang value-added tax (VAT) refund mechanism sa non-resident tourists na magpapalakas sa sektor ng turismo, ayon kay Senador Sherwin Gatchalian.

“By allowing foreign visitors to claim VAT refunds on goods they purchase in our country, we create an environment that not only attracts more tourists, but also encourages them to spend more on our products which will eventually be taken out of the country,” ayon kay Gatchalian.

Aniya, mababawi naman ang nawalang buwis sa gagastusin ng turista sa bansa na lilikha ng trabaho, pasisiglahin ang lokal na industirya at maisusulong ang pagkilos ng ekonomiya.

Inaasahang makakalikha ng P3.3 bilyon hanggang P5.7 bilyong kita ang gobyerno sa bagong patakaran at magkakaroon ng 7,000 bagong trabaho kada taon hanggang 2028.

Tanging si Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III ang bomoto ng “no” sa panukala dahil baka magkaroon ng tax leakages, sa pagbibigay ng mahigit P4 bilyong pera ng bayan sa turista at may potensiyal na pagkakamali sa tracking ng gastusin ng turista.

Inaprubahan din ng Senado ang SBN 2451 o ang Ligtas Pinoy Centers Act na inatasan ang lahat ng lungsod at munisipalidad na magtayo ng permanenteng typhoon-resilient at earthquake-proof evacuation centers.

Sumulong din sa plenaryo ang pagkaka-apruba ng SBN 2804 o ang New DBP Act na magbibigay ng panibagong kapasidad sa Development Bank of the Philippines na tugun an ang lumulubong pangangailangan sa pondo para sa iba’t-ibang proyekto ng pangunahing sektor.

“Maraming Pilipino ang naghahangad ng pagkukunan ng pondo para sa kani-kanilang projects na lubos na makakatulong sa holistic development ng buong bansa ayon kay Senador Mark Villar, isponsor ng panukala.

“Isa sa mga paraan para makamit natin ito is to promote financial inclusion and to enhance accessibility of Filipinos needing additional resources for development projects,” dagdag niya.

“This is a commitment to revitalizing our economy and addressing the pressing needs of various sectors by augmenting the bank’s capacity to support infrastructure, agriculture, and small businesses. which are all vital to achieve sustainable growth,” paliwanag pa ng senador.

Hindi bomoto si Pimentel sa New DBP Act.

Samantala, inaprubahan din ng Senado ang Resolution No. 1188 na naglalayong palakasin ang economic competitiveness sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) region sa pamamagitan ng FTA sa South Korea.

“The FTA seeks to attract more foreign direct investments and secure better trade concessions compared to existing agreements like the ASEAN-Korea Free Trade Agreement and the Regional Comprehensive Economic Partnership,” ayon sa resolusyon.

“By expanding its FTA network, the Philippines targets to promote sustainable and high-quality investments, focusing on areas such as industrial development, innovation, research and creative industries,” paliwanag pa ng dokumento.

NIlagdaan ang kasunduan nitong Setyembre 7, 2023 sa Jakarta, Indonesia sa pagitan ng pamahalaan ng Pilipinas at South Korea saka isinumite sa Senado nitong Mayo 13, 2024 para aprubahan alinsunod sa Saligang Batas. Ernie Reyes