MANILA, Philippines – Kinuwestyon ni dating presidential spokesperson Harry Roque sa Supreme Court ang arrest order na inilabas laban sa kanya ng quad committee (Quadcom) ng House of Representatives.
Nakasaad sa inihaing petisyun ni Roque sa pamamagitan ng kanyang anak na si Hacintha na nagkamali at nakagawa ng grave abuse of discretion ang Quad Committee dahil inagaw nito ang investigative powers ng Executive Branch at adjudicative powers ng hudikatura.
Hiniling ng kampo ni Roque sa Korte Suprema na magpalabas ng Temporary Protection Order para maharang ang Quadcom sa pagpapatupad ng arrest warrant. Nais din ni Roque na mag-issue ang Korte ng writ of certiorari at prohibition laban sa kautusan ng Kamara na maglabas si Roque ng mga dokumento gaya ng kanyang Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth, mga rekordna may kaugnayan sa kumpanya ng pamilya, Biancham Holdings maging ang land transaction sa Parañaque City.
Si Roque ay pinatawan ng contempt matapos tumanggi na ilabas ang nga sinubpoena na dokumento kaugnay sa posibleng pagkakasangkot nito sa iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).
Iginiit ni Roque na naibigay na niya sa Quad committee ang lahat ng kinakailangan na impormasyon para sa congressional inquiry.
Pinaratangan ni Roque ang Quad Committee na pagamit ng contempt power nito ng pabago-bago at pagparusa sa resource person dahil lamang hindi nagustuhan ng miyembro ng komite ang sagot ng resource person. Teresa Tavares