Home NATIONWIDE Veloso lubos na ikinatuwa ang nakatakdang pagpapauwi sa kanya sa Pinas

Veloso lubos na ikinatuwa ang nakatakdang pagpapauwi sa kanya sa Pinas

MANILA, Philippines – Lubos na ikinatuwa ni Mary Jane Veloso, ang Pinay na nahaharap sa parusang kamatayan sa Indonesia dahil sa drug charges, ang nakatakdang pagpapauwi sa kanya sa Pilipinas.

Si Veloso ay inaresto sa Indonesia noong 2010 na may dalang maleta na may lamang 2.6 kilo (5.7 pounds) ng heroin at kalaunan ay hinatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng firing squad.

“I am very elated to hear there is an opening chance for my hope to return home and be with my family,” ani Veloso sa isang written statement na binasa ni prison warden Evi Loliancy.

“I’m grateful and would like to thank everybody who keeps making efforts so I can return to my country,” dagdag pa.

Noong Miyerkules, sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ibibigay siya sa Maynila kasunod ng mga taon ng “mahaba at mahirap” na negosasyon.