Home METRO Vendor binaril-patay ng biyenan sa La Union

Vendor binaril-patay ng biyenan sa La Union

MANILA, Philippines – Patay ang isang vendor matapos umanong barilin ng biyenang lalaki sa Barangay Apatot, Balaoan, La Union nitong Sabado ng gabi, Agosto 17.

Napag-alaman ng mga awtoridad na nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng suspek na si Florencio Mendoza, 61, at biktimang si Bryan Jay Tolentino, 28, dahil umano sa pagkain ng kambing ni Tolentino sa halaman ni Mendoza.

Dito na bumunot ng homemade 12-gauge shotgun si Mendoza at binaril si Tolentino.

Agad na dinala sa ospital ang biktima kung saan ito idineklarang patay.

Nagawa pang tumakas ng suspek ngunit kalaunan ay naaresto.

Narekober sa suspek ang baril na ginamit sa krimen na ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya at nahaharap sa kaso. RNT/JGC