MANILA, Philippines – Kasunod ng tagumpay ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) na programa ng Marcos administration na direktang ibinibigay sa tao ang tulong, isang panukalang batas o Bagong Pilipinas Bill ang nakatakdang ihain sa Kamara na naglalayon ng pag-institutionalize ng programa.
Sa oras na maisabatas ang BPSF ay magbibigay daan ito sa pag-establisa ng Bagong Pilipinas Tulong Centers sa bawat probinsya at siyudad.
Sa pagbubukas ng 3 araw na BPSF Agency Summit sa PICC Forum Hall na pinangunahan ni House Speaker Martin Romualdez, tiniyak nito na mas palalawakin at papagandahin pa ang programa ng BPSF.
“The Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, a visionary initiative under the leadership of President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., is much more than a program. It is a living embodiment of our collective dedication to bringing government services directly to the people, ensuring that no one is left behind, no matter how remote or underserved their community may be,” pahayag ni Romualdez sa kanyang welcome message.
“It is about the child who receives life-saving medical attention, the elderly who finally feel the support of a caring government, the farmer who gains access to vital resources, and the student who sees education as a door to a brighter future. These stories of transformation are the true measure of our success,” ani Romualdez.
Ang Agency Summit ay dinaluhan ng 1,500 participants, kabilang ang mga regional directors ar regional heads ng may 75 national government agencies sa may 17 regions sa bansa.
Si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay inaasahang dadalo rin alas-7:00 ng gabi para sa Gabi ng Pagkakaisa Fellowship Dinner.
Gayundin ay pangungunahan nito ang cash aid distribution sa ilalim ng Start-up, Incentives, Business Opportunity and Livelihood (SIBOL) Program.
Pinasalamatan din ni Romualdez ang
Department of Health at Department of Social Welfare and Development.
“Your dedication has proven that when we break down silos, when we converge our efforts, and when we focus on a common goal, we can overcome any challenge. The Bagong Pilipinas Serbisyo Fair is a testament to the power of interagency collaboration – a model of how government should function, not in isolation, but as a unified force working for the greater good,” giit pa nito.
Inilunsad din sa nasabing summit ang website ng BPSF sa pangunguna ni Atty. Shawn Capucion, head ng Programs Division ng Office of the Speaker.
2.5 Milyon Pinoy natulungan ng BPSF
Inihayag ni House Deputy Secretary General Sofonias “Ponyong” Gabonada Jr, isa sa nangangasiwa sa BPSF na nasa 2.5 million pamilya na ang natulungan ng programa at nasa P10 bilyon tulong na ang naipamigay.
Sa ngayon ay nasa 21 lalawigan na ang nabisita at mabigyan ng tulong ng BPSF.
“Gusto pa nating mapalawak, mapa-improve pa ang pagbigigay ng BPSF sa natitira pa nating mga probinsya. We’re expecting 82 provinces, we’ve been to 21 provinces. So itong summit ay pagkakataon na mag-usap-usap ang mga ahensya on a regional level because yung mga regional directors, sila po ‘yung working committee members natin,” paliwanag ni Gabonada
Ang susunod na bibisitahin ng BPSF ay Batangas, Cavite at Pangasinan.
Una na rin nitong natulungan ang Tawi Tawi at kasunud naman ang malayong lugar ng Batanes at target ng programa na kada Linggo ay may lugar na mabibigyan ng tulong.
“Nalibot natin yung 17 regions at nabisita natin ang 21 provinces, nakita natin na naging maganda yung paggawa natin ng Bagong Pilipinas serbisyo fair, yung paghatid ng serbisyo sa bawat probinsya. Pero gusto pa nating mapalawak, mapa improve pa ang pagbigigay ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa natitira pa nating mga probinsya,” pagtatapos pa ni Gabonada. Gail Mendoza