Home NATIONWIDE Bukidnon nakapagtala ng mahigit 5K kaso ng dengue mula Enero

Bukidnon nakapagtala ng mahigit 5K kaso ng dengue mula Enero

MANILA, Philippines – Naitala ang mahigit 5,000 kaso ng dengue sa Bukidnon mula Enero hanggang Agosto 2024.

Ayon sa Provincial Health Office (PHO), iniulat ang 5,099 kaso ng dengue sa probinsya o mas mataas sa 4,000 kaso na naitala sa kaparehong panahon noong 2023.

Sinabi ng PHO na 17 katao ang nasawi dahil sa nasabing sakit.

Sa kabila nito ay nilinaw na wala pang outbreak ng dengue.

Pinag-uusapan naman ng mga awtoridad ang posibilidad ng pagdedeklara ng state of calamity.

Naitala sa Malaybalay City ang pinakamaraming kaso ng dengue sa 926, sinundan ng Valencia City sa 508.

May nasawi namang tig-dalawa sa nabanggit na mga lugar. RNT/JGC